Masayang ipinagdiwang ang Kulminasyon ng Buwan ng Wika ng mga Lourdesians nitong nakaraan Huwebes, Ika-18 ng Agosto, 2022, sa pamamagitan ng isang Youtube livestream na pinangunahan nina Bb. Maribelle Corpuz at Bb. Chelsey Baltazar.
Sinimulan ang programa sa panalangin ng pagbabasbas ni Rev. Fr. Jeffrey G. Torres, OFMCap., ang Ministro ng Ugnayang Pampaaralan.
Sinundan naman ito ng pambungad na pananalita ni Rev. Fr. Francisco Atienza, OFMCap., ang Director ng Usapang Pananalapi, kung saan malugot niyang binati at pinasalamatan ang lahat sa patuloy na pagpapahalaga at pagbibigay ng panahon, lalo na sa masigasig na pagdaraos ng Linggo Ng Wika.
Dito, inisaad niya na, “Ang paglinang ng sariling wika, Filipino man o ang mga katutubong wika, ay sadyang dapat bigyang halaga upang mapalalim din ang ating Buhay-Kristiyano at pananampalataya bilang mga Pilipino.”
Matapos nito ay tinawagan na si Gng. Cecilia Toledo, Pangalawang Prinsipal Ugnayang Pang-akademiko, upang balik-tanawan ang mga naisagawang programa nitong linggo at upang ipaalala sa iba ang mga aktibidad na mangyayari pa.
Nakasulat sa talahanayan sa ibaba ang mga paligsahang natapos na, ang mga baitang na lumahok, at ang nanguna dito:
Artistang Lourdesian | Baitang 5 at 6 | Bb. Maribelle Corpuz |
Ginoo at Binibining Wika | Baitang 7 at 8 | Bb. Chelsey Baltazar |
Pagbigkas ng Tula at Monologo | Baitang 9 at 10 | Bb. Mylene Regner |
Habang ang timpalak ng Likhang Sining na bukas sa lahat, Pagsasalin ng OPM sa Katutubong Wika, at Madulang Pagkukwento ng Baitang 3 at 4 sa pangunguna ni Gng. Vita at Bb. Corpuz ay magaganap o nagpapatuloy pa lamang.
Nagpakitang gilas naman ang mga kawaning Lordesian na sina Gng. Lesley Esguerra, G. Leonard Daluz at G. Pio Martin Genzola sa isang awit na kanilang ihinanda.
Sumunod na dito ang paggawad sa mga sertipiko ng mga nagwagi sa mga paligsahang naganap sa pagdiriwang ng Linggo Ng Wika.
Sa pagwawakas ay nagbigay ng isang makabuluhang talumpati ng pasasalamat ang Butihing Punong Guro na si Gng. Maria Corazon C. Yap, kung saan buong-puso niyang pinasalamatan ang kanyang kapwa kawani, ang lahat ng mag-aaral, mga administrador, mga bisitang nakadalo, mga hurado, at mga magulang na lubos ang suporta sa kanilang mga anak.
Nagtanghal din si John Bennette Castillo mula 10-Fortitude bilang si G. Manuel L. Quezon upang pasinayahan ang lahat sa uganayan ng kasaysayan at wika.
Mataimtim siyang nagpasalamat sa May Kapal dahil maluwalhating naitaguyod ang wikang Filipino. Maging ang mga wikang katutubo na likas na wika ng ilan sa komunidad ay naipakilala sa mga naging gawain at paligsahan.
Isinulat ni Charlotte Garcia